Patay ang isang menor de edad matapos makuryente sa nakalaylay na linya ng kuryente ng isang electric cooperative sa Barangay Lumbang Este, Cajidiocan, Romblon, nitong Miyerkules, Nobyembre 12.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, ang biktima, isang Grade 9 student, ay kasama ng kaniyang mga kaklase at guro para sa training sa swimming bilang paghahanda sa nalalapit na District Meet.
Pagkatapos ng ensayo, pauwi na ang grupo nang dumaan sila sa isang flood control project. Sa paglapit sa isang tulay, napansin nila ang isang kable ng kuryente na nakalaylay sa mababang bahagi ng tulay.
Ayon sa mga saksi, yumuko ang kasama nito upang makaiwas sa kable, ngunit aksidenteng nadikitan ito ng biktima na nasa likod, dahilan upang makuryente.
Agad na humingi ng tulong ang kasama ng biktima at dinala ito sa pinakamalapit na ospital, subalit idineklara itong dead on arrival ng attending physician.
Sa ulat ng mga doktor, cardiac arrest bunsod ng pagkakakuryente ang naging sanhi ng pagkamatay ng biktima.



































Discussion about this post