Nasawi ang ilang mga baboy na binili ng isang negosyante mula San Fernando, Romblon matapos masunog ang mga ito sa loob ng isang jeep na umapoy habang bumabiyahe nitong hapon ng November 26 sa bayan ng Magdiwang, Romblon.
Ayon sa imbestigasyon ng Magdiwang Municipal Police Station, nag-iikot ang jeep para mamili ng mga baboy ngunit pagdating nito sa bayan ng Magdiwang ay napansin umano ng driver na may umusok mula sa battery ng kanyang sasakyan.
Ilang sandali ay biglang nagliyab ang jeep at dahan-dahang kumalat patungo sa likod kung saan nakasakay ang mga baboy.
Sinubukan ng mga residente at ng driver na buksan ang likuran ng jeep para mailigtas ang ilang baboy ngunit hindi nakalabas ang ilan sa kanila.
Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Magdiwang MDRRMO at miyembro ng Magdiwang Fire Station na malapit lang sa pinangyarihan ng sunog.
Wala namang taong nasaktan sa nasabing insidente.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyari.




































Discussion about this post