Dalawang bahay ang tinupok ng apoy sa Sitio Pag-Asa, Barangay Guinbirayan, Santa Fe, Romblon pasado hatinggabi ng Biyernes, October 30, na nag-iwan ng tinatayang ₱91,500 halaga ng pinsala, ayon sa ulat ng Santa Fe Municipal Police Station at Santa Fe Fire Station.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas-12:20 ng madaling araw nang mapansin ng mga kapitbahay ang usok na nanggagaling sa isa sa mga gusali. Agad silang humingi ng tulong sa mga opisyal ng barangay at sa Santa Fe Fire Station upang apulahin ang apoy.
Gayunman, mabilis na kumalat ang apoy dahil ang kalahati ng mga bahay ay yari sa light materials, dahilan upang tuluyang matupok ang mga ito. Idineklara namang fire out ang sunog pasado alas-2:00 ng madaling araw.
Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente, subalit walang naisalbang kagamitan ang dalawang pamilyang residente ng nasunog na mga bahay.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga tauhan ng Santa Fe Fire Station upang matukoy ang pinagmulan ng apoy.




































Discussion about this post