Isang patay na pilot whale ang natagpuang inanod sa dalampasigan ng Agmanic Bay sa Santa Fe, Tablas Island, Romblon kahapon ng umaga, August 8, 2025.
Ayon sa mga nakakita, tinatayang nasa 3 hanggang 4 na metro ang haba ng balyena na may mga katangiang gaya ng bilugang ulo, mahabang pakpak na hugis karit malapit sa ulo, makapal na buntot, at prominenteng palikpik sa likod—mga palatandaan na ito ay kabilang sa uri ng pilot whale.
Unang namataan ng mga residente ang balyena bago ipagbigay-alam sa mga kinauukulang ahensya.
Ayon sa ulat, nakapagtipon na ng mga sample ang mga awtoridad para sa pagsusuri at pagtukoy sa posibleng sanhi ng pagkamatay nito.



































