Tuluyan nang lumayo sa lalawigan ng Romblon ang Super Typhoon Pepito, ayon sa ulat ng PAGASA kaninang alas-5 ng umaga.
Ang bagyo ay gumagalaw patungong Kanluran Hilagang Kanluran mula sa 85 km Northeast ng Daet, Camarines Sur, na may lakas na 185 km/h malapit sa gitna at bugso ng hangin na umaabot sa 255 km/h. Nag-landfall si Pepito kagabi sa Catanduanes.
Bilang bahagi ng paghahanda ng mga lokal na pamahalaan, halos isang libong residente mula sa mga bayan ng Banton at Cajidiocan ang inilikas mula sa disaster-prone areas bilang pag-iingat.
As of 8am update, tinanggal na ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa ilang bayan sa katimugang bahagi ng Romblon, ngunit nananatili pa rin ang babala sa iba pang bayan tulad ng Cajidiocan, San Fernando, Magdiwang, Romblon, Banton, Corcuera, Concepcion, San Andres, Calatrava, San Agustin.
Patuloy na pinapayuhan ang publiko na mag-ingat at manatiling nakaantabay sa mga abiso ng mga awtoridad para sa kaligtasan ng lahat.