Nagpaabot ng tulong ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)- Puerto Princesa City Jai Male Dormitory sa mga indibidwal at pamilyang nasunugan sa Barangay Maunlad, Puerto Princesa City, Palawan nitong araw ng Huwebes, Nobyembre 21.
Personal na nagtungo sa naturang lugar ang mga welfare development at community relations service officers ng PPCJMD, kasama ang ilang social workers para pangunahan ang pamamahagi ng ayuda.
Ayon kay Jail Officer 1 Renald Baldonado, ang paghahatid ng BJMP ng tulong ay alinsunod sa kanilang pangako na tumulong sa pamahalaan para sa pagsiguro ng isang mas ligtas at progresibong lipunan.
Batay sa datos, aabot sa 34 kabahayan ang tinupok ng apoy at nasa 60 pamilya ang pansamanatalang nanunuluyan sa evacuation center sa Purok Waling-Waling sa nabanggit na Barangay.
Kabilang sa mga tulong na ipinagkaloob ng BJMP-PPCJMD ay ang pamamahagi ng hygiene kits
at grocery packs, gayon din ang pagsasagawa ng feeding progaram para sa mga nawalan ng tirahan.
Giit ni Baldonado, patuloy ang kanilang pakikipag coordinate sa lokal na pamahalaan ng Puerto Princesa City para masigurong mabibigyan ng tulong ang lahat ng apektadong pamilya sa lugar. (Joefrie Anglo)
Discussion about this post