Halos dalawang taon matapos manalasa ang Bagyong Paeng sa probinsya ng Romblon, aabot sa 108 residente ang tumanggap ng ayuda mula sa National Housing Authority (NHA) nitong Oktubre 4.
Ayon sa San Andres Public Information Office, ang Provincial Social Welfare Development Office (PSWDO) ay nakipagtulungan sa NHA para sa pamamahagi ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo.
Ang mga benepisyaryo mula sa iba’t ibang bayan, kabilang ang San Andres, Banton, Romblon, Odiongan, Ferrol, at Corcuera, ay nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa pamahalaan bilang bahagi ng patuloy na rehabilitasyon ng mga apektadong lugar.
Bagana’t matagal nang nanalasa ang bagyo, sinabi ng mga benepisyaryo na ang ayuda ay malaking tulong sa kanilang nasiraan ng tirahan at ari-arian dahil sa nabanggit na bagyo.