Iniulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na posible pang pumasok ang apat hanggang pitong bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa huling mga buwan ng 2024.
Ayon kay PAGASA weather specialist Joanne Mae Adelino, kadalasang tinatahak ng mga bagyo ang Luzon o Visayas mula Oktubre hanggang Disyembre.
Sa kasalukuyan, siyam na tropical cyclone na ang nabuo o pumasok sa PAR ngayong taon.
Dagdag pa ng PAGASA, mayroong 71% na posibilidad na mabubuo ang La Niña sa pagitan ng Setyembre at Nobyembre, na nauugnay sa mas malalakas na tropical cyclone at above-average na pag-ulan.