Ngayong World Red Cross Day, nagsagawa ang Philippine Red Cross Romblon Chapter ng mass blood letting drive sa bayan ng Odiongan, Romblon.
Ayon kay Jimmy Tan, PRC Romblon chapter chairman, ang aktibidad ngayong araw ay simultaneous o ginagawa sa buong bansa.
Sinabayan ito ng membership fund drive, first aid lecture at demonstration, at volunteer recruitment.
Layunin nito na mas maparami ang mga available na dugo na nasa blood bank ng PRC sa lalawigan para sa mga pasyenteng nangangailangan.
Sinabi ng Philippine Red Cross Romblon Chapter na ang kanilang opisina sa Romblon Provincial Hospital ay bukas rin para sa mga gustong mag-donate ng dugo.