Magsisimula nang mag-ikot ang mga tauhan ng Philippine Statistics Authority o PSA para itala ang publiko sa Community-Based Monitoring System o CMBS.
Ito ang inanunsyo sa flag raising ceremony ng lokal na pamahalaan ng Odiongan nitong ika-17 ng Oktobre.
Ayon kay Engr. Alexander Foja, pamumunuan ni CBMS Area Supervisor Ms. Ranalyn Gado Salvador ang grupo sa pag-iikot.
Gagamitin ang mga impormasyon sa pagtukoy at paggawa ng mga panukala at programa para sa mga serbisyo ng mga lokal na pamahalaan.
Ang Odiongan ay bahagi ng Phase 2 ng programa kung saan kasabay nito na magsisimulang magtala ang mga bayan ng Romblon, Looc at San Agustin.
Target ng PSA na magkaroon ng 100% participation ang lahat ng lokal na pamahalaan sa probinsya ng Romblon sa nasabing programa matapos mangako ang lahat ng LGU sa probinsya na susuporta sila rito.