Nagsagawa nitong Martes ng Focus Group Discussion ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa bayan ng Odiongan, Romblon.
Bahagi ito ng Coconut Farmers and Industry Development Plan o CFIDP. Layunin ng programa na matulungan ang mga magniniyog ng probinsya para maibenta o maging produkto ang mga tanim nilang mga niyog.
Nagbigay ng presentasyon ang mga opisina ng Department of Trade and Industry, Philippine Coconut Authority, Technical Education and Skills Development Authority, Department of Agriculture, Provincial at Municipal Agriculture Office.
Ayon sa mga ahensya, handa silang magbigay ng training at isali sa mga programa ang mga mangniniyog upang mapakinabangan pa ng mas maganda ang kanilang mga tanim.