May aabot sa 24 na benepisyaryo ng programa ng Department of Trade and Industry ang nakatanggap ng livelihood kits mula sa ahensya kamakailan.
Pinangunahan ang pagbibigay ng mga livelihood kits nina Provincial Director Noel DR. Flores kasama si Odiongan Mayor Alejandra Trina Firmalo-Fabic at Negosyo Center Provincial Coordinator, Jude Pavillar.
Ayon kay Flores, ang mga nakatanggap ng livelihood kits ay mga benepisyaryo ng Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa (PPG) at Livelihood Seeding Program Negosyo Serbisyo sa Barangay (LSP-NSB),parehong mga programa ng DTI.
Nakatanggap sila ng mga gamit pangluto, mga raw materials, bigas, at iba pa