Inihayag ng World Health Organization (WHO) na nakikita na nila ang malapit nang matapos ang pandemya sa COVID-19.
Kasabay nito ay nanawagans si WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus sa iba’t ibang bansa sa mundo na samantalahin ang naitatalang pagbaba ng mga kaso upang tuluyang matapos na ito.
Aniya, naitala ang pinakamalaking pagbagsak ng bilang ng mga bagong kaso ng Covid-19 nitong nakalipas na mga linggo mula noong March 2020.
Bumagsak umano ito sa 28% o katumbas ng 3.1 milyon nitong September 11.
“We have never been in a better position to end the pandemic,” pahayag niya sa mga mamamahayag. “We are not there yet, but the end is in sight.”