Muling hihigpitan ng lokal na pamahalaan ang ilang klase ng mass gatherings sa bayan dahil sa pagtaas ng naitalang nagpopositibo sa Covid-19 sa pamamagitan ng Rapid Antigen Testing.
Sa bisa ito ng isang executive order na ibinaba ni Cajidiocan Mayor Marvin Ramos noong August 1.
Batay sa nasabing kautusan, suspendido muna pansamantala ang mas gatherings na may kaugnayan sa leisures at recreations katulad ng mga Barangay Fiesta, Sports, wedding, birthday party at iba pang private gatherings.
Papayagan lamang ito kung tanging 50% lamang ng mga venue ang mapupunan ng mga dadalo at kung lahat sila ay may nabakunahan na laban sa virus.
Samantala, papayagan parin ang mga religious mass gatherings, school gatherings, at iba pang government activities sa bayan, basta masisigurong naipatutupad ang minimum public health standards sa mga venue.
Epektibo ang nasabing kautusan hanggang August 31.