Ipinanukala sa Sangguniang Bayan ng Odiongan ang isang ordinansang naghihigpit sa pagpapatupad ng Batas Pambansa 344 o mas kilalang “An Act to Enhance the Mobility of Disabled Persons by Requiring Certain Buildings, Institutions, Establishments and Public Utilities to install Facilities and Other Devices”.
Ipaguutos sa nasabing ordinansa na gawing PWD friendly ang lahat ng bagong gusali na itatayo sa bayan lalo na ang mga kukuha ng business permit.
Nitong Miyerkules ay nagkaroon na ng committee hearing ang Committee on Infrastructure at Committee on Social Services ng Sangguniang Bayan kaugnay sa nasabing ordinansa.
Inaasahang sa Lunes, August 1, ay maipapasa na ito sa konseho.
Samantala, nataon naman ang panukala sa pagdiriwang ngayong buwan ng National Disability Prevention and Rehabilitation Month. (PJF)