May aabot sa 75 magsasaka ng niyog sa Barangay Malilico sa bayan ng Odiongan, Romblon ang nakatanggap ng cheke mula sa Philippine Coconut Authority kamakailan.
Ang mga nasabing benepisyaryo ay napasailalim sa programang Incentivized Coconut Planting/Replanting Project o ICPRP para sa taong 2021.
Ayon sa Philippine Coconut Authority-Romblon, may kabuoang 434,250 silang ipinamahagi sa mga nabanggit na magsasaka.
Pinangunahan ni PCA Acting Regional Manager III Joselito R. Alcantara ang pamamahagi kasama ang mga tauhan ng PCA-Romblon.