Muling nagpaalala ang Commission on Elections o Comelec sa publiko na hanggang sa September 30 o sa darating na Huwebes nalang ang Voter’s Registration para sa 2022 Philippine general election.
Bukas umano ang mga opisina ng Comelec sa iba’t ibang bayan sa Romblon mula alas-8 ng umaga para tumanggap ng mga gustong magparehistro o di kaya ay may aayusin sa kanilang record kabilang na ang pagpapalit ng address.
Sa isang panayam kahapon, sinabi ni Dennis Servanez, Election Officer ng bayan ng Odiongan, na madali lamang umanong magparehistro para makaboto.
Magdala lamang umano ng birth certificate, o di kaya ay gov’t issued ID at sariling ballpen.
Pinapayuhan rin nito ang publiko na sumunod sa pinatutupad na health protocol ng pamhalaan upang hindi magkahawaan ng sakit habang pumipila sa mga opisina ng Comelec.
Ang extension ng voter’s registration ay patuloy na pinag-uusapan ng Comelec.