Umakyat na sa 258 ang aktibong kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa probinsya ng Romblon batay sa taya na Provincial Epidemiology Surveillance Unit (PESU) nitong huling araw ng Hunyo.
Ito ay matapos madagdagan ng 23 ang kumpirmadong kaso ng Covid-19 nitong Miyerkules.
Sa talaan ng PESU, ang bayan ng Alcantara ay may 8 kaso ng Covid-19 habang 19 sa Cajidiocan, 3 sa Calatrava, 20 sa Magdiwang, 74 sa Odiongan, 16 sa Romblon, 27 sa San Agustin, 4 sa San Andres, 73 sa San Fernando at 14 sa Sta. Maria.
Sa 258 kasong itong nasa talaan ng PESU, 257 ang local case at 1 naman ang imported.
74% sa mga kasong ito ay asymptomatic habang 23% naman ang may mild symptoms ng Covid-19 at natitirang bahagdan ay may moderate symptoms.
Samantala, 5 ang naitala ng PESU nitong Miyerkules na gumaling na sa virus.
Sa pangkahalatan 977 na ang naitalang Covid-19 sa buong lalawigan kung saan 703 rito ay gumaling na at 16 naman ang nasawi.