Naharang sa Odiongan Port ang isang returning resident (RR) noong ika-24 ng Marso matapos mapag-alamang ang dala niyang RT PCR result ay positibo pala sa SARS-CoV-2 o sa Covid-19.
Ayon sa Odiongan Public Information Office, dumating ito sa Poctoy Port dala ang negatibong reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) result ngunit pag-verify nito sa record ng Philippine Red Cross, lumalabas na positibo ito sa Covid-19 virus.
Agad siyang dinala sa Municipal Isolation Center para doon i-isolate.
Samantala, ang mga nakasabay nito sa biyahe ay sumasailalim na sa self-quarantine.
Nauna ng sinabi ng national government sa mga biyahero na huwag pikiin ang mga coronavirus test results at ang lalabag ay posibleng pagmultahin ng mga lokal na pamahalaan.