Isinagawa ngayong araw ang kauna-unahang Buntis Congress sa bayan ng Odiongan sa Romblon kung saan aabot sa mahigit 50 mga buntis ang dumalo.
Inorganisa ito ng Municipal Health Office sa pakikipagtulungan ng Office of the Municipal Nutrition Action Officer at ng Gender and Development Office ng Odiongan.
Sa nasabing pagtitipon, tinuruan ang mga buntis lalo na ang mga unang beses pa lamang manganganak kung paano alagaan ang kanilang mga bata simula sa ito ay isilang.
Tinuro rin sa kanila ang pag-aalaga sa bata habang sila ay nasa sinapupunan pa.
Nagpaalala sa kanila ang Rural Health ng bayan na magkaroon ng buwanang check-up para masiguradong ligtas ang kanilang dinadala.
Samantala, matapos ang programa ay inabot sa mga dumalong buntis ang mga maternity kits na naglalaman ng mga gamit pambata katulad ng mga gloves, damit, lampien, at iba pa.