Nagsagawa ng 5 araw na intergrated program ang lokal na pamahalaan ng Odiongan para sa mga Persons with Disability (PWD) at sa magulang na may inaalaagaan na PWD. Ito ay sa pangunguna ng Persons with Disability Affair’s office ng munisipyo.
Nagsimula ito noong Lunes at inaasahang matatapos ngayong Biyernes, November 27.
Sa nasabing 5-araw na programa, nagsagawa ng forum kaugnay sa kung paano magkakaroon ng support group sa isang pamilya at pagkakaroon ng tamang pamamaraan sa pag-alaga sa mga batang may celebral palsy.
Ang mga magulang ay sumailalim sa training at pag-uusap patungkol sa medikasyon at therapy ng mga bata.
Malaking tulong ang pagsasanay na ito para sa mga magulang na mabigyan ng tamang gabay at pag-aalaga ang kanilang mga anak na may espesyal na pangangailangan.
Nagsagawa rin ng leadership training workshop para sa mga PWD at kung paano magpasa ng proposal sa kanilang mga naiisip na proyekto o negosyo.