Nakatangap ngayong araw ang ilang Persons with Disability (PWDs) sa bayan ng Odiongan, Romblon ng mga kambing na kanilang aalagaan at pararamihin bilang panimula ng kanilang negosyo.
May sampung kambing ang ipinagkaloob sa kanila ngayong araw ng lokal na pamahalaan ng Odiongan sa pamamagitan ng kanilang livelihood program na pinondohan ng opisina ni vice president Leni Robredo.
May aabot sa 10 kambing ang kanilang naipamigay sa ikalawang batch ng proyekto. Matatandaang noong unang batch, aabot sa 22 na kambing ang kanilang naipamahagi sa mga PWDs sa bayan.
Mismong si mayor Trina Firmalo-Fabic at vice mayor Diven Dimaala ang nanguna sa pamamahagi ng mga nabanggit na kambing.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Odiongan, aabot sa mahigit 80 ang nakatakda nilang ipamigay.