• RNN TV
  • RNN Radio
  • Advertise with RNN
  • About Us
  • Careers
Friday, November 13, 2026
28 °c
Romblon
28 ° Sat
28 ° Sun
28 ° Mon
Romblon News Network
web header ads 728x90
pmt_728x90
hb_728x90px
Big1 2026 728x90
Gasul 2026 728x90
ADVERTISEMENT
  • Home
  • News
    • All
    • Foreign News
    • Local News
    • National News
    • Regional News
    Cajidiocan LGU, naghahanap ng paraan upang palakasin ang lokal na industriya ng pagbaboy

    Cajidiocan LGU, naghahanap ng paraan upang palakasin ang lokal na industriya ng pagbaboy

    Construction ng bagong palengke sa Cajidiocan, sinimulan na upang palakasin ang lokal na kalakalan

    Construction ng bagong palengke sa Cajidiocan, sinimulan na upang palakasin ang lokal na kalakalan

    Kauna-unahang shopping mall sa Romblon, binuksan sa Odiongan

    Kauna-unahang shopping mall sa Romblon, binuksan sa Odiongan

    DSWD, tuloy-tuloy ang pamamahagi ng UPLIFT cash aid sa Odiongan

    DSWD, tuloy-tuloy ang pamamahagi ng UPLIFT cash aid sa Odiongan

    Tourism stakeholders sa Carabao Island, sinanay ng DTI sa product photography at digital applications

    Tourism stakeholders sa Carabao Island, sinanay ng DTI sa product photography at digital applications

    Inflation sa Romblon, bahagyang bumagal sa 5.5% nitong Oktubre 2026

    Inflation sa Romblon, bahagyang bumagal sa 5.5% nitong Oktubre 2026

    12 pribadong paaralan sa Romblon, kabilang sa makikinabang sa dagdag na ESC subsidy

    12 pribadong paaralan sa Romblon, kabilang sa makikinabang sa dagdag na ESC subsidy

    Student journalists ng RSU Laboratory Science High School, sinanay ng PIA Romblon

    Student journalists ng RSU Laboratory Science High School, sinanay ng PIA Romblon

    RSU, iba pang island universities, nagkasundo sa pagtatatag ng alyansa

    RSU, iba pang island universities, nagkasundo sa pagtatatag ng alyansa

  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
    • All
    • Daplis Lang!
    • Editorial
    • Thought of Wisdom
    • U_Spy
    Todo Pina: Hataw Na!

    Todo Pina: Hataw Na!

    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga kabanalan sa Romblon

    Kauna-unahang indoor pickleball court sa Odiongan, pormal nang binuksan sa publiko

    Todo Pina: Pickleballmania hits Odiongan by Storm

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Terminal fee sa Batangas Port, aakyat sa ₱60 simula Enero 2026

    Op-Ed: Modernong Terminal, Mahinang Signal

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Pamahalaang Panlalawigan, magpapadala ng ayuda sa Sibale Island

    Op-Ed: Mas Mahal ang Hindi Pakikinig

  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
No Result
View All Result

  • Login
  • Register
28 °c
Romblon
28 ° Sat
28 ° Sun
28 ° Mon
No Result
View All Result
Romblon News Network
No Result
View All Result
Home Op-Ed U_Spy

U_Spy: Napeke si Beauty Queen!

Romblon NewsbyRomblon News
October 26, 2019 - Updated On October 20, 2021
in U_Spy
Reading Time: 16 mins read
4
0
U_Spy: Napeke si Beauty Queen!
Share on FacebookShare on Twitter

Nakakaawa at nakababahala ang nangyari sa isang Pinay beauty queen na sasabak sa isang international pageant na napaulat na pinigil at nadetine sa airport ng Paris, France dahil sa peke raw ang kaniyang passport. Ang tanong, papaano siya nakalusot at nakaalis ng Pilipinas?

Pero bago natin pag-usapan si beauty queen, isa na namang nirerespetong political figure mga tsong ang nagpaalam na sa mundo sa edad na 86—ang dating Senate President na kailanman ay hindi tumanda dahil sa kaniyang pangalan, si Nene Pimentel.

Kahit palayaw na pambatang babae ang ibinigay sa kaniya, lalaking-lalaki naman si Nene sa tapang. Halos 50 taon din naglingkod sa bayan at humawak ng iba't ibang posisyon sa gobyerno ang senador, na tubong Cagayan de Oro.

Lumaban at nakulong sa diktaturyang rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., at nang maupo sa Malacanang si Pangulong Cory Aquino noong 1986, itinalaga siyang local government secretary at kinalaunan ay nanalong senador.

Isa sa mga iniwan niyang legacy ika ay ang Local Government Code, at isa sa mga nagsusulong ng federalismo. Malamang na malaking welcome party ang ibibigay sa kaniya ng mga namayapa na rin mambabatas tulad nina Joker Arroyo, Ed Angara, Raul Roco, Ernesto Maceda, Jovito Salonga, at Miriam Defensor Santiago.

Pag-usapan na natin ang pekeng passport. Ang tinutukoy nating beauty queen ay itong si Samantha Lo, na kandidata ng Pilipinas sa Grand International 2019, na gaganapin sa Caracas, Venezuela. Habang papunta sa nabanggit na bansa, naharang siya mga immigration personnel sa Paris, France, dahil daw sa natuklasang tampered ang kaniyang pasaporte.

Dahil doon, pinigil at kinuwestiyon siya ng mga awtoridad doon, hanggang sa ipadeport pabalik sa Pilipinas. Pagkaraan ng ilang araw, nakaalis naman muli si Lo at nakarating na sa Caracas para sa coronation night ngayon linggo. Pero kahit nagawa niyang makahabol sa kompetisyon, hindi dapat matigil ang imbestigasyon sa kaniyang pasaporte na sinasabing peke raw.

Sabi sa pahayag ng Binibining Pilipinas Charities, Inc., inamin daw ng mga magulang ni Lo sa pakikipagpulong nila sa Department of Foreign Affairs na nakuha raw ng beauty queen ang naturang passport sa pamamagitan umano ng “fixer.” Tanong ng ating konteserang kurimaw, kailan kaya nakuha ni Lo ang kaniyang passport?

Kung ngayon kasi, kapag tinignan mo ang online passport appointment ng DFA, hindi na masikip ang schedule. Malayong-malayo sa panahon ni dating DFA secretary Alan Cayetano, na kabi-kabila ang reklamo na madaling maubos ang slot sa appointment kaya pahirapan ang pagkuha ng passport kaya naglipana noon ang mga fixer.

Pero bukod sa isyu ng umano'y fixer, malaking katanungan din kung papaano nakalusot sa immigration ng Pilipinas ang passport ni Lo bago siya nakabiyahe papuntang Paris, going Venezuela. Ibig bang sabihin eh hindi iyon napansin ng BI personnel natin o hindi sila sanay sumuri ng tunay at pekeng passport? O naging kampante lang talaga sila at natangay sa ganda ng beauty queen?

Kung ordinaryong tao kaya o OFW ang may bitbit ng katulad ng passport ni Lo, makakalabas din kaya siya ng Pilipinas? Aba'y kung nakalabas man ang pobreng OFW, baka mas kawawa siya kapag natimbog ng immigration personnel sa bansang pupuntahan niya tulad sa Middle East.

Baka hindi lang katakot-takot na tanong ang abutin niya, baka makulong pa siya. Kaya dapat malaman ng mga awtoridad kung saan at papaano nakuha ni Lo ang passport niya.

Sa kaso ni Lo na isang beauty queen na “bitbit” ang bandila ng Pilipinas, siyempre hindi siya pababayaan ng Bb. Pilipinas Charities at ng DFA, kaya ayun nakauwi siya.

Baka nga makabuti pa kay Lo ang insidente dahil tiyak na nakagawa ng ingay sa Venezuela ang nangyari sa kaniya. Bukod doon, magagamit din niyang advocacy at maging boses ng mga taong lumalabas ng kani-kanilang bansa na puwedeng maranasan ang nangyari sa kaniya—lalo na ang mga OFW.

Tandaan: Ang tao'y nilalang na politiko at madalas ang politiko'y nanlilinlang ng tao!
(Twitter: follow@dspyrey)

Related Posts

Magiging ‘guerrila’ at ‘ninja’ si E-Sabong

Magiging ‘guerrila’ at ‘ninja’ si E-Sabong

May 10, 2022
Lacson-Sotto bibisita ng Romblon

Ping Lacson o Tito Sotto, sino ang nakaranas ng heart break?

April 11, 2022

Popular Stories

  • Todo Pina: Hataw Na!

    Todo Pina: Hataw Na!

    61 shares
    Share 24 Tweet 15
  • Karamihang kawani ng gobyerno, tatanggap ng sahod at year-end bonus sa Nobyembre 13

    39 shares
    Share 16 Tweet 10
  • 32 Romblomanon, nagtapos sa Philippine Coast Guard Non-Officers’ Course sa Zamboanga

    140 shares
    Share 56 Tweet 35
  • Lalaking patungong Romblon, arestado sa Batangas Port dahil sa marijuana

    547 shares
    Share 219 Tweet 137
  • Mainit na panahon, posibleng dahilan ng paglabas ng mga ahas

    179 shares
    Share 72 Tweet 45
Romblon News Network

We are an independent and apolitical digital media organization first ever established in the Province of Romblon.

MORE NEWS

Provincial Health Office ng Romblon, nagbabala kontra dengue

Cajidiocan LGU, nagsagawa ng price monitoring sa mga gasolinahan kasunod price rollback

110 bagong pisa na pawikan sa Romblon, pinakawalan sa dagat

TRENDING FOR THE MONTH

Rider, patay sa aksidente sa Odiongan nitong Araw ng mga Santo

HS student, patay sa aksidente sa MariSur, San Andres

Sekyu patay sa pananaga ng kapwa sekyu sa RSU San Andres

  • Home
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use

© 2013-2026. All Rights Reserved. Romblon News Network (RNN) and RNN.TV. Powered by Pixxelsis Digital Media

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password? Sign Up

Create New Account!

Fill the forms bellow to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In

Add New Playlist

No Result
View All Result
  • Home
  • News
  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
  • Login
  • Sign Up