Madalas ang paglabas ng mga ahas ngayong summer dahil sa matiniding init ng panahon.
Ayon kay FSSupt.Jezen Nunez ng Bureau of Fire Protection Region 8, dahil sa sobrang init ay naghahanap ng malamig na lugar ang mga ahas.
ADVERTISEMENT
Kamakailan ay namatay ang isang king cobra matapos tong masagasaan sa kalsada Barangay Balatucan, Romblon.
Ang mga ahas ay madalas na naninirahan sa mga madadamong lugar at maraming tambak na basura kaya ang payo ng mga otoridad ay ugaliing malinis ng kapaligiran.