Sinimulan sa pamamagitan ng isang unity walk sa bayan ng Odiongan ng mga miyembro ng Team Firmalo ang kanilang pangangampanya sa unang araw ng campaign period kahapon, March 29 para sa 2019 mid-term elections.
Naglakad mula sa kanilang headquarters patungong Odiongan Public Market sina incumbent Governor Eduardo Firmalo na tumatakbong pagka-congressman, former Calatrava Mayor Robert Fabella na tumatakbo sa pagka-gobernador, at si incumbent SP member Felix Ylagan na tumatakbo naman sa pagka-bise gobernador.
Kasama rin nila ang kanilang mga kandidato sa pagka-Sangguniang Panlalawigan member para sa second district na sina DJ Bing Solis, former Judge Jose Madrid, Arman Fainsan, at Daryl Galindez.
Sumabay ang grupo ni Firmalo, sa pagsisimula rin ng kampanya ng kanyang mga kapartido na tumatakbo naman sa lokal na posisyon sa Odiongan.
Ayon sa Commission on Elections (Comelec), mag tatagal ang kampanya hanggang May 11, 2019.
Patuloy na babantayan ng Romblon News Network ang kampanya ng mga lokal na kandidato dito sa lalawigan ng Romblon.