Naibigay na Commission on Elections (Comelec) ang 100 porsiyentong honorarium ng mga gurong nagsilbi bilang Board of Election Inspector sa probinsya ng Romblon sa katatapos na halalang pang-nasyunal at lokal.
Sinabi ito ni Odiongan Municipal Election Officer Rey Fabella ng makapanayam ng mga mamahayag nitong nakaraang Lunes sa ginanap na Kapihan sa PIA-Romblon.
Ayon kay Fabella, ang mga nagsilbi sa Odiongan na guro at opisyal ng Department of Education (DepEd) ay naibigay na ang honorarium.
Sinabi rin ni Fabella na kasabay na namigay noong May 20 ang iba pang munisipyo sa probinsya.
Kaugnay nito, tatanggap ng PhP6,000 ang umupong chairman ng electoral board, habang PhP5,000 naman ang sa mga miyembro nito.
Ang mga DepEd supervisor official (DESO) ay tumanggap ng sahod na PhP4,000, habang tig-PhP2,000 naman sa mga support staff at technical support staff na may karagdagan pang PhP1,000 bilang communication allowance.