Sa unang araw ng kampanya kahapon, March 29, tumungo ng bayan ng San Andres sina incumbent Vice Governor Jose Riano na kandidato ng Team BOTIKA (Budoy, Otik, Arming) sa pagka-gobernador ng lalawigan kasama ang kanyang bise gobernador na si incumbent SP Arming Gutierrez.
Hindi naman nakadala si dating Congressman Eleandro Madrona na tumatakbo ulit sa parehong posisyon dahil kasalukuyan itong nasa convention sa Iloilo kasama ang iba pang abogado sa buong bansa.
Nakisaya sina Riano kasama ang kanyang line-up sa pagdiriwang ng Parpaguha Festival sa nasabing bayan.
Kasama niya sa unang araw ng kampanya ang mga kandidato nila sa pagka-Sangguniang Panlalawigan para sa District 2 ng Romblon na sina incumbent SP Fred Dorado, incumbent Alcantara Mayor Eddie Lota, businessman Robert Maulion, at Dr. Ed Reloj.
Masaya naman silang tinanggap ng mga taga-San Andres.