Walang election hotspot sa lalawigan ng Romblon.
Yan ang pahayag ni Chief Supt. Tomas Apolinario Jr., Director ng Police Regional Officer – MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) ng ekslusibong makapanayam ng Romblon News Network nitong Huwebes sa Odiongan, Romblon.
Ayon kay Apolinario, may mga election hotspot sa MIMAROPA ngunit ito ay matatagpuan umano sa Palawan at sa Oriental Mindoro.
Matatandaang nauna ng napabilang sa listahan ng mga lugar na election hotspot ang bayan ng Roxas, Oriental Mindoro kung saan napatay ang incumbent vice mayor ng bayan na si Jackson Cinco Dy noong 2017.
Dagdag ni Chief Supt. Apolinario, tahimik naman umano ang Romblon at patuloy naman umanong nakabantay ang mga tauhan ng Romblon Police Provincial Office sa pangunguna ni Police Senior Supt. Arvin Molina.