Si Gov. Lolong Firmalo ang nanguna sa ginawang online Survey ng Romblon News Network (RNN) – ‘Sino ang bet nyo para sa Kongreso?‘ mula February 1 – 15, 2019. Nakakuha si Firmalo ng 74% (1,399 votes) samantalang si dating Congressman Budoy Madrona naman ay nakakuha ng 20% (367 votes). Samantala, nasa 6% (115 votes) naman ang nag-abstain lamang o walang mapili sa dalawa. Umabot sa 1,881 lahat ang bilang ng boto.
Bagamat maituturing na totoong mga responses ang boto (not robots), hindi garantiya na ang resulta ay nagrerepresenta ng kabuoang pulso ng mga botante sa Romblon. Ang Survey ay may restriction din na nakabase sa IP address at cookie na hindi pinapayagang maulit ang pagboto sa loob ng 24 oras para sa iisang IP address.