• RNN TV
  • RNN Radio
  • Advertise with RNN
  • About Us
  • Careers
Friday, November 13, 2026
28 °c
Romblon
28 ° Fri
28 ° Sat
28 ° Sun
Romblon News Network
web header ads 728x90
pmt_728x90
hb_728x90px
Big1 2026 728x90
Gasul 2026 728x90
ADVERTISEMENT
  • Home
  • News
    • All
    • Foreign News
    • Local News
    • National News
    • Regional News
    Limang samahan ng mangingisda sa San Jose, tumanggap ng karagdagang kagamitan

    Limang samahan ng mangingisda sa San Jose, tumanggap ng karagdagang kagamitan

    Mga estudyante ng RSU Cajidiocan Campus, tumanggap ng tulong-pinansyal mula sa CHED

    Mga estudyante ng RSU Cajidiocan Campus, tumanggap ng tulong-pinansyal mula sa CHED

    Cajidiocan LGU humingi ng clarification sa DOE sa agarang oil price rollback

    Cajidiocan LGU humingi ng clarification sa DOE sa agarang oil price rollback

    41 pamilya sa Corcuera, makikinabang sa DSWD Walang Gutom Program

    41 pamilya sa Corcuera, makikinabang sa DSWD Walang Gutom Program

    81-anyos na Lolo, natagpuang patay sa baybayin sa Alcantara

    Karamihang kawani ng gobyerno, tatanggap ng sahod at year-end bonus sa Nobyembre 13

    DTI, nagbabala sa pagbili ng uncertified Christmas lights

    DTI, nagbabala sa pagbili ng uncertified Christmas lights

    Corcuera, nakatanggap ng bagong garbage compactor truck

    Corcuera, nakatanggap ng bagong garbage compactor truck

    32 Romblomanon, nagtapos sa Philippine Coast Guard Non-Officers’ Course sa Zamboanga

    32 Romblomanon, nagtapos sa Philippine Coast Guard Non-Officers’ Course sa Zamboanga

    Malawakang clean-up drive kontra dengue, ginawa sa Odiongan

    Provincial Health Office ng Romblon, nagbabala kontra dengue

  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
    • All
    • Daplis Lang!
    • Editorial
    • Thought of Wisdom
    • U_Spy
    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga kabanalan sa Romblon

    Kauna-unahang indoor pickleball court sa Odiongan, pormal nang binuksan sa publiko

    Todo Pina: Pickleballmania hits Odiongan by Storm

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Terminal fee sa Batangas Port, aakyat sa ₱60 simula Enero 2026

    Op-Ed: Modernong Terminal, Mahinang Signal

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Pamahalaang Panlalawigan, magpapadala ng ayuda sa Sibale Island

    Op-Ed: Mas Mahal ang Hindi Pakikinig

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
No Result
View All Result

  • Login
  • Register
28 °c
Romblon
28 ° Fri
28 ° Sat
28 ° Sun
No Result
View All Result
Romblon News Network
No Result
View All Result
Home Op-Ed U_Spy

U_Spy: Mahalaga ang OFW ID kung libre

Romblon NewsbyRomblon News
July 25, 2017 - Updated On October 20, 2021
in U_Spy
Reading Time: 14 mins read
7
0
U_Spy: Nasan ang huli nyo?
Share on FacebookShare on Twitter

Kung marami ang pumapalag mga tsong sa mungkahing Muslim-only ID system na sa tingin ng mga kritiko ay isang uri ng diskriminasyon, mukhang marami naman ang pabor sa isa pang ID system na planong ipatupad para naman sa mga bayani nating overseas Filipino worker (OFWs).

Inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III, na ilulunsad na nila ngayon Hulyo ang tinatawag na OFW ID o iDole ID, na ipapalit sa kinasusuklaman ng mga OFW na overseas employment certificate o OEC.

Noon pa man, parang kontrabida na sa teleserye ang dating ng OEC para sa mga OFW dahil sa bukod sa pinapahirapan sila sa pagkuha nito, eh pakiramdaman nila ay ginagamit lang itong paraan ng gobyerno para gatasan pa sila.

Hindi naman natin masisisi ang mga OFW kung ganito ang maging pagtingin nila sa OEC. Aba’y kaydami na nga naman nilang hirap sa pag-a-aplay para makakuha ng trabaho, didiskarte pa sila ng pagkukunan ng pambayad sa mga pagproseso ng mga dokumento, malalayo na sila sa kanilang mga mahal sa buhay, aba’y pahihirapan pa ba naman sila ng kapirasong papel na magpapatunay na sila’y OFW…at may bayad pa.

Sa ipinapadala pa lang na remittances ng mga OFW at peligro na kanilang haharapin para kumayod sa ibang bansa, dapat naman yata eh humanap talaga ng mga paraan at programa ang gobyerno na makababawas sa pasakit sa kanila at kanilang pamilya.

Hindi biro ang tulong sa kaban ng bayan ng mga ipinadadalang remittances ng mga OFW. Ngayon pa lang sa unang apat na buwan ng 2017, umabot ang total cash remittances nila sa $9.036 bilyon, na mas mataas sa $8.67 bilyon na naipadala sa unang apat na buwan noong 2016. Aba’y kayo na lang ang bahalang kumuwenta kung magkano ‘yan sa piso dahil tiyak na hindi na kayanin ng maliit kong calculator dahil sa dami ng zero.

Noong nakaraang Abril, iniutos ng DOLE na suspindihin ang pagpapalabas ng OEC dahil sa alegasyon na mayroong mga bugoy sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), na ginagamit ito para bakalan ang mga kababayan nating nais na mangibang-bansa. Gayunman, binawi din ang suspensyon na ito noong Mayo.

Pero hindi lang ang mga papaalis na OFW ang bad trip sa OEC kung hindi maging ang mga OFW na bumabalik lang sa bansa para magbakasyon.

Maging sila kasi ay obligadong kumuha nito bilang mga balik-manggagawa. Kahit limitado lang kasi ang araw ng kanilang pananatili sa bansa, kailangan pa nilang maglaan ng araw para sa naturang dokumento na 60 araw lang naman ang bisa.

Malamang kung ang ating mga kurimaw ang tatanungin, malamang magiging masaya rin sila sa ipatutupad na OFW ID, lalo na kung bukod sa pamalit ito sa OEC eh talagang ipamamahagi ito nang libre. Magamit din sana nila ang ID sa ibang bagay o iba pang pakikipagtransaksyon.

Malay natin, baka puwedeng gamitin ang ID na ‘yan para makapagpadala sila ng remittance sa mas mababang singil, pangkuha ng kanilang mga benepisyo, magsilbing health card, magamit sa pagsa-shopping at puwede pang lagyan ng “points” o “miles,” oh ‘di ba bongga?

Iyon nga lang, dahil Pinoy tayo, tiyak na hindi mawawala ang mga kumag na baka gamitin at gamitin sa kalokohan ang OFW ID sa hindi kaiga-igayang paraan. Iyan ang dapat na bantayan.Tandaan: Ang tao'y nilalang na politiko pero mas madalas ang politiko'y nanlilinlang ng tao! (Twitter: follow@dspyrey)

Related Posts

Magiging ‘guerrila’ at ‘ninja’ si E-Sabong

Magiging ‘guerrila’ at ‘ninja’ si E-Sabong

May 10, 2022
Lacson-Sotto bibisita ng Romblon

Ping Lacson o Tito Sotto, sino ang nakaranas ng heart break?

April 11, 2022

Popular Stories

  • 32 Romblomanon, nagtapos sa Philippine Coast Guard Non-Officers’ Course sa Zamboanga

    32 Romblomanon, nagtapos sa Philippine Coast Guard Non-Officers’ Course sa Zamboanga

    125 shares
    Share 50 Tweet 31
  • Hataw Shopping Center sa Odiongan, ‘Good to Go’ na sa November 13

    130 shares
    Share 52 Tweet 33
  • Lalaking patungong Romblon, arestado sa Batangas Port dahil sa marijuana

    532 shares
    Share 213 Tweet 133
  • Anim na sakay ng lumubog na bangka sa Romblon, nailigtas ng mga mangingisda

    116 shares
    Share 46 Tweet 29
  • Mga pamilyang mangingisda sa Ferrol at Santa Fe, tumanggap ng ayuda bilang paghahanda sa El Niño

    59 shares
    Share 24 Tweet 15
Romblon News Network

We are an independent and apolitical digital media organization first ever established in the Province of Romblon.

MORE NEWS

Lalaking patungong Romblon, arestado sa Batangas Port dahil sa marijuana

BLGU sa San Jose, iginiit na pinapakain ng maayos ang mga nahuhuling aso

Dating SK Kagawad, itinalagang bagong SK Chairman sa Barangay Poblacion, San Jose

TRENDING FOR THE MONTH

Rider, patay sa aksidente sa Odiongan nitong Araw ng mga Santo

HS student, patay sa aksidente sa MariSur, San Andres

Sekyu patay sa pananaga ng kapwa sekyu sa RSU San Andres

  • Home
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use

© 2013-2026. All Rights Reserved. Romblon News Network (RNN) and RNN.TV. Powered by Pixxelsis Digital Media

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password? Sign Up

Create New Account!

Fill the forms bellow to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In

Add New Playlist

No Result
View All Result
  • Home
  • News
  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
  • Login
  • Sign Up