Malakas na pag-uulan ang naranasan sa bayan ng Odiongan sa Tablas Island, Romblon nitong hating gabi ng Sabado, July 29.
Halos isang oras din na naranasan ang pag-uulan na naging dahilan rin ng pagkawala ng kuryente sa ilang barangay ng Odiongan at karatig bayan.
ADVERTISEMENT
Ang pag-uulan ay dulot ng Hanging Habagat na pinalakas ng bagyong Gorio na nasa loob ng Philippine Area of Responsiblity (PAR) at isa pang bagyo na nasa labas naman ng PAR.