Tuluyan ng humina hanggang sa maging isang Low Pressure Area (LPA) ang dating bagyong #CrisingPH.
Ayon sa final bulletin ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), humina ito matapos na mag landfall sa Hernani, Eastern Samar kaninang 6:30 ng gabi.
ADVERTISEMENT
Tinanggal na rin ng PAGASA ang Tropical Cyclone Warning Signal sa lahat ng bahagi ng bansa ngunit maari paring makaranas ng moderate rains ang mga nasa Visayas, Bicol at Caraga Region sa Luzon dahil sa LPA.