by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Friday, 25 December 2015
Isang lalake ang sugatan matapos na maaksidente ang minamanehong motorsiklo sa national road ng Barangay Mayha sa bayan ng Odiongan pasado alas-4 ngayong hapon.
Ayon sa mga nakasaksi sa aksidente, may kabilisan umano ang pagpapaandar ng driver na napagalamang residente ng Barangay Libertad.
Lasing rin umano ang driver ng motorsiklo at maaring ito ang dahilan ng pagkawala ng kanyang balanse sa minamanehong motor.
Nakabitaw umano agad ang driver sa sasakyan at nakatalon kaya hindi siya sumama sa motorsiklong dumiretso sa kanal.