Dumating na sa bayan ng Cajidiocan ang dalawang karagdagang ambulansya na gagamitin upang mapabilis ang pagtugon sa mga pangangailangang medikal at emergency ng mga residente.
Isang ambulansya ang itatalaga sa Barangay Lumbang Este habang ang isa naman ay ilalaan sa Barangay Lumbang Weste.
Layunin ng karagdagang mga sasakyan na mailapit sa mga komunidad ang serbisyong pang-emergency at mapabilis ang pagdadala sa mga pasyenteng nangangailangan ng agarang transportasyon patungo sa mga pasilidad pangkalusugan.
Ayon sa lokal na pamahalaan, makatutulong ang mga ambulansya sa pagpapalakas ng emergency response at paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa mga residente ng dalawang barangay.
Dagdag ng lokal na pamahalaan, bahagi ito ng kanilang mga hakbang upang mapalawak at mailapit ang mga serbisyong pangkalusugan sa mga mamamayan.


























