Itutuloy ng Sunlight Air ang nakatakdang biyahe nito sa rutang Clark-Romblon sa Disyembre 19, 22 at 26, 2026, kasunod ng kumpirmasyon ng airline sa Provincial Tourism and Cultural Affairs Office.
Sa inilabas na abiso noong Nobyembre 19, sinabi ng tanggapan na kinumpirma mismo ng Sunlight Air na magpapatuloy ang tatlong nakatakdang flight sa nasabing mga petsa.
Nilinaw ang impormasyon kasunod ng pansamantalang pagsuspinde sa regular na operasyon ng mga biyahe sa rutang Clark-Romblon na ipinatupad noong unang bahagi ng Nobyembre hanggang Disyembre.
Pinayuhan naman ang mga pasaherong mayroon nang booking at mga nais kumuha ng karagdagang impormasyon na direktang makipag-ugnayan sa Sunlight Air sa pamamagitan ng mga opisyal nitong communication channels.
Maaaring mag-book ng flight sa opisyal na website ng airline sa https://res.sunlightair.ph/.
Ayon sa Provincial Tourism and Cultural Affairs Office, batay ang abiso sa impormasyong ibinigay ng Sunlight Air nitong November 19.


























