• RNN TV
  • RNN Radio
  • Advertise with RNN
  • About Us
  • Careers
Saturday, November 14, 2026
28 °c
Romblon
28 ° Sat
28 ° Sun
28 ° Mon
Romblon News Network
web header ads 728x90
pmt_728x90
hb_728x90px
Big1 2026 728x90
Gasul 2026 728x90
ADVERTISEMENT
  • Home
  • News
    • All
    • Foreign News
    • Local News
    • National News
    • Regional News
    Cajidiocan LGU, naghahanap ng paraan upang palakasin ang lokal na industriya ng pagbaboy

    Cajidiocan, naghahanda ng assistance para sa mga magsasakang maaapektuhan ng Very Strong El Niño

    Cajidiocan, iniwasan ang tanghaliang payout para maprotektahan ang senior citizens sa heat stroke

    Cajidiocan, iniwasan ang tanghaliang payout para maprotektahan ang senior citizens sa heat stroke

    Biyahe ng RORO patungong Oriental Mindoro, suspendido na

    Cajidiocan mayor, umaasang maibabalik ang biyahe ng Starlite Ferries sa kanilang pantalan

    Cajidiocan LGU, naghahanap ng paraan upang palakasin ang lokal na industriya ng pagbaboy

    Cajidiocan LGU, naghahanap ng paraan upang palakasin ang lokal na industriya ng pagbaboy

    Construction ng bagong palengke sa Cajidiocan, sinimulan na upang palakasin ang lokal na kalakalan

    Construction ng bagong palengke sa Cajidiocan, sinimulan na upang palakasin ang lokal na kalakalan

    Kauna-unahang shopping mall sa Romblon, binuksan sa Odiongan

    Kauna-unahang shopping mall sa Romblon, binuksan sa Odiongan

    DSWD, tuloy-tuloy ang pamamahagi ng UPLIFT cash aid sa Odiongan

    DSWD, tuloy-tuloy ang pamamahagi ng UPLIFT cash aid sa Odiongan

    Tourism stakeholders sa Carabao Island, sinanay ng DTI sa product photography at digital applications

    Tourism stakeholders sa Carabao Island, sinanay ng DTI sa product photography at digital applications

    Inflation sa Romblon, bahagyang bumagal sa 5.5% nitong Oktubre 2026

    Inflation sa Romblon, bahagyang bumagal sa 5.5% nitong Oktubre 2026

  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
    • All
    • Daplis Lang!
    • Editorial
    • Thought of Wisdom
    • U_Spy
    Todo Pina: Hataw Na!

    Todo Pina: Hataw Na!

    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga kabanalan sa Romblon

    Kauna-unahang indoor pickleball court sa Odiongan, pormal nang binuksan sa publiko

    Todo Pina: Pickleballmania hits Odiongan by Storm

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Terminal fee sa Batangas Port, aakyat sa ₱60 simula Enero 2026

    Op-Ed: Modernong Terminal, Mahinang Signal

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Pamahalaang Panlalawigan, magpapadala ng ayuda sa Sibale Island

    Op-Ed: Mas Mahal ang Hindi Pakikinig

  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
No Result
View All Result

  • Login
  • Register
28 °c
Romblon
28 ° Sat
28 ° Sun
28 ° Mon
No Result
View All Result
Romblon News Network
No Result
View All Result
Home Op-Ed U_Spy

U_Spy: Pakiyeme at Pabebeng ‘bets’

Romblon NewsbyRomblon News
October 21, 2018 - Updated On October 20, 2021
in U_Spy
Reading Time: 15 mins read
11
0
U_Spy: Nasan ang huli nyo?
Share on FacebookShare on Twitter

Hindi maiwasan ng ating kurimaw na matawa sa ilang personalidad na naghahain ng certificate of candidacy na planong tumakbo sa iba’t ibang posisyon sa gaganaping May 2019 midterm elections.

May nagpakilalang hari ng mundo, asawa kuno ng sikat na celebrity, konektado o sugo ni Lord, at kung anu-ano pang kakenkoyan. Pero kung tutuusin, sabi ng ating kurimaw na pangarap ding maging politiko, mas mabuti pang pakinggan ang mga kandidatong ito (na kinalaunan ay tiyak na idedeklara ng Commission on Elections na mga nuisance o panggulo), kaysa doon sa mga “legit” na kandidato.

Bakit ka ninyo, karamihan sa mga “panggulong” naghahain ng COC eh dati na rin namang pumormang kakandidato. Halos tuwing may eleksyon, makikita mo sila sa tanggapan ng Comelec at nakikisabay sa paghahain ng kanilang kandidatura. Pero dahil wala naman silang kakayanan na magsagawa ng kampanya sa buong bansa, naturang na ididiskuwalipika sila.

Kaya ang ending, karamihan sa kanila ay masasabing “nagpapansin” lang at alam mo nang “harmless” sila at walang pinsalang idudulot sa bayan. Kung tutuusin, kahit papaano pa nga eh nakapagbigay sila ng “kasiyahan” kahit papaano sa mga pakulo nila.

Ang nakatatakot ay iyong mga politikong may kakayanang maglunsad ng pambansang kampanya at puwede pang manalo. At kapag nanalo, wala namang gagawin kung hindi tumunganga at isulong ang pansariling interes, at kapakanan ng kanilang mga padrino.

Natural na kapag gumamit ng pera at impluwensiya ang isang kandidato para manalo, wala sa taong-bayan ang utang na loob niya. Ang inisip niya, gumastos siya at babawiin niya ang ginastos niya. Kung may padrino na tumulong sa kaniya, ang iisipin niya ay malaki ang utang na loob niya sa padrino at hindi sa mga karaniwang botante na nakipagsiksikan para maiboto siya.

Gaya halimbawa nitong isang naghain ng COC na nagpa-picture lang pero naging allergic na matanong ng mga mamamahayag. Baka nga naman matanong siya tungkol sa “inflation” eh mangamote siya sa sagot. May isa naman sumagot pero aminadong walang alam sa isyu. Aba’y papaano niya matutulungan ang mga taong nagkakandakuba na sa pagmahal ng bilihin? Baka mag-iiyak lang siya kapag nanalo.

May isang kandidato naman na pa-“kiyeme” ang dating at panay ang tanggi noon na tatakbo siya. Pero nang maghain ng COC, aba'y sangkatutak ang tsuwariwariwap na kasama. Puna pa ng ating kurimaw, kay laking tao na eh parang nagsama pa ng tatay sa principal office. Papaano raw pagkakatiwalaan ang isang kandidato na walang isang salita gaya ni pakiyeme bet?

Pabebe naman ang pa-epek ng isa pang kandidato na nagsabi ring hindi raw tatakbo noong sinusuyo siya at pinapalutang ng isang grupo ang pangalan niya para isama sa ticket. At nang maglabas ng anunsyo bago pa man ang filing ng COC, hindi pa rin agad direktang inamin na tatakbo siya at parang sumakay lang ng jeep na nagpaligoy-ligoy pa.

Kung tutuusin, excited ang isa nating kurimaw na magdeklara ng kandidatura ang pabebeng kandidato. Hindi dahil sa iboboto niya ito kung hindi sabik siyang makita kung ano ang mga “meme” na maglalabasan tungkol sa kaniya.

Noong dati kasi siyang tumakbo, kung anu-anong alyas na “boy” ang idinikit sa pangalan niya. Ngayon pa lang, mukhang allergic na raw si pabebe boy sa mga netizen na tila hindi “friendly” ang mga komento sa kaniyang social media page. Ipinapa-block daw nito ang mga netizen na may mga “kwelang” at medyo matindi ang tanong lalo na kung may konek sa dati niyang mga posisyon.

Aba’y dapat pag-aralan ng mga magagaling at matatalinong handler ni pabebeng bet ang kaniyang socmed dahil kung hindi eh baka maiyak siya sa mga maglalabasan “meme” sa internet. Tandaan: Ang tao'y nilalang na politiko at madalas ang politiko'y nanlilinlang ng tao!

(Twitter: follow@dspyrey)

Related Posts

Magiging ‘guerrila’ at ‘ninja’ si E-Sabong

Magiging ‘guerrila’ at ‘ninja’ si E-Sabong

May 10, 2022
Lacson-Sotto bibisita ng Romblon

Ping Lacson o Tito Sotto, sino ang nakaranas ng heart break?

April 11, 2022

Popular Stories

  • Todo Pina: Hataw Na!

    Todo Pina: Hataw Na!

    64 shares
    Share 26 Tweet 16
  • Karamihang kawani ng gobyerno, tatanggap ng sahod at year-end bonus sa Nobyembre 13

    41 shares
    Share 16 Tweet 10
  • Mainit na panahon, posibleng dahilan ng paglabas ng mga ahas

    179 shares
    Share 72 Tweet 45
  • RSU, iba pang island universities, nagkasundo sa pagtatatag ng alyansa

    21 shares
    Share 8 Tweet 5
  • Lalaking patungong Romblon, arestado sa Batangas Port dahil sa marijuana

    552 shares
    Share 221 Tweet 138
Romblon News Network

We are an independent and apolitical digital media organization first ever established in the Province of Romblon.

MORE NEWS

DTI, nagbabala sa pagbili ng uncertified Christmas lights

Corcuera, nakatanggap ng bagong garbage compactor truck

32 Romblomanon, nagtapos sa Philippine Coast Guard Non-Officers’ Course sa Zamboanga

TRENDING FOR THE MONTH

Rider, patay sa aksidente sa Odiongan nitong Araw ng mga Santo

HS student, patay sa aksidente sa MariSur, San Andres

Clerk ng korte sa Romblon, sinibak ng Supreme Court dahil sa nawawalang ₱598,444 na pondo

  • Home
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use

© 2013-2026. All Rights Reserved. Romblon News Network (RNN) and RNN.TV. Powered by Pixxelsis Digital Media

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password? Sign Up

Create New Account!

Fill the forms bellow to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In

Add New Playlist

No Result
View All Result
  • Home
  • News
  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
  • Login
  • Sign Up