Pansamantalang libre ang paggamit ng bagong Passenger Terminal Building sa Port of Lucena matapos suspindihin ng Philippine Ports Authority (PPA) ang pangongolekta ng Passenger Terminal Fee (PTF) hanggang Disyembre 31, 2026.
Ayon sa PPA, layunin ng hakbang na mapagaan ang gastusin ng mga pasahero at mapahusay ang kanilang karanasan sa paglalakbay.
Kayang tumanggap ng hanggang 1,000 pasahero ang bagong terminal. Mayroon din itong mas maayos na waiting area para sa mga pasaherong naghihintay ng kanilang sasakyan.
Pangunahing bumibiyahe mula Lucena Port ang mga barkong patungo sa mga isla ng Marinduque at Romblon.

























