Nakatanggap ng groceries at pagkain ang 30 senior citizen sa Poblacion, Santa Maria, mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Romblon katuwang ang Pines Estate Gaming Corporation nitong October 28 bilang bahagi ng paggunita sa National Day of Charity.
Isinagawa ang pamamahagi bilang bahagi ng mga aktibidad na naglalayong isulong ang pagkakawanggawa at pagtulong sa mga mamamayan, kabilang ang mga nakatatanda.
Ipinagdiriwang ang National Day of Charity tuwing Oktubre 30 alinsunod sa Presidential Proclamation No. 598, s. 2024, na nagtatakda sa nasabing petsa bilang taunang paggunita sa pagkakawanggawa sa bansa.

Sa ilalim ng proklamasyon, itinalaga ang PCSO na manguna sa pagpaplano, koordinasyon at pangangasiwa sa taunang paggunita, katuwang ang mga ahensya ng pamahalaan, lokal na pamahalaan, non-government organizations at pribadong sektor.


























