Nasawi ang isang 15-anyos na estudyante matapos maaksidente ang motorsiklong kanyang minamaneho bandang alas-6:05 ng gabi nitong October 23 sa Barangay Marisur, San Andres, Romblon.
Batay sa paunang imbestigasyon ng San Andres Municipal Police Station, binabaybay ng motorsiklo ang naturang kalsada nang aksidenteng lumihis sa kanang bahagi ng daan habang pababa sa isang dalisdis.
Nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tatlong sakay ng motorsiklo.
Agad na rumesponde ang mga tauhan ng pulisya at Bureau of Fire Protection (BFP)-San Andres at isinugod ang mga biktima sa San Andres Municipal Hospital.
Gayunman, idineklarang dead on arrival ang 15-anyos na drayber bandang alas-7:05 ng gabi. Patuloy namang inoobserbahan ang kondisyon ng dalawa pang estudyanteng angkas nito.
Patuloy ang imbestigasyon ng San Andres Municipal Police Station upang matukoy ang iba pang detalye ng aksidente.
The Bridge is a campus media partner of Romblon News Network.


























