• RNN TV
  • RNN Radio
  • Advertise with RNN
  • About Us
  • Careers
Wednesday, September 30, 2026
Romblon News Network
web header ads 728x90
pmt_728x90
hb_728x90px
Big1 2026 728x90
Gasul 2026 728x90
ADVERTISEMENT
  • Home
  • News
    • All
    • Foreign News
    • Local News
    • National News
    • Regional News
    Libreng serbisyong dental, handog ng Prov’l Gov’t sa Sibale

    Libreng serbisyong dental, handog ng Prov’l Gov’t sa Sibale

    SSS, GSIS nagbukas ng calamity at emergency loan para sa mga biktima ng Bagyong Opong sa Romblon

    NDRRMC, naglabas ng IRR ng batas para sa State of Imminent Disaster

    Mga sementeryo sa San Andres, bawal muna puntahan sa UNDAS

    Higit 1,500 pulis, itatalaga sa MIMAROPA para sa ligtas na Undas 2026

    PFDA, tinalakay kay Cong. Budoy ang panukalang fish port sa Magdiwang

    PFDA, tinalakay kay Cong. Budoy ang panukalang fish port sa Magdiwang

    Mahigit 11,900 bata sa Romblon, nabakunahan laban sa tigdas at tigdas-hangin

    61.7% ng target na bata sa Romblon, nabakunahan kontra tigdas at rubella

    Cong. Budoy, hinikayat ang mga lingkod-bayan ng San Agustin na isabuhay ang malasakit sa pamilya at bayan

    Cong. Budoy, hinikayat ang mga lingkod-bayan ng San Agustin na isabuhay ang malasakit sa pamilya at bayan

    MIMAROPA El Niño Task Force, itinatag ng RDRRMC

    MIMAROPA El Niño Task Force, itinatag ng RDRRMC

    PCG, nagsampa ng paunang reklamong kriminal laban sa kapitan ng M/V June Aster

    PCG, nagsampa ng paunang reklamong kriminal laban sa kapitan ng M/V June Aster

    Bagong Legislative Building ng Calatrava LGU, ginagamit na

    Bagong Legislative Building ng Calatrava LGU, ginagamit na

  • Politics
  • Features
  • Technology
  • Op-Ed
    • All
    • Daplis Lang!
    • Editorial
    • Thought of Wisdom
    • U_Spy
    Terminal fee sa Batangas Port, aakyat sa ₱60 simula Enero 2026

    Op-Ed: Modernong Terminal, Mahinang Signal

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Pamahalaang Panlalawigan, magpapadala ng ayuda sa Sibale Island

    Op-Ed: Mas Mahal ang Hindi Pakikinig

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Apat na lalaki sa Magdiwang, pinaghahanap dahil sa iligal na pagmimina

    Reclaiming the Energy Future of Romblon

    Hindi Plastik ang Problema—Kundi ang Sistema

    Hindi Plastik ang Problema—Kundi ang Sistema

    Balasahan sa DPWH dapat hanggang section chief at miyembro ng BAC

    Balasahan sa DPWH dapat hanggang section chief at miyembro ng BAC

    Katapatan at Pananagutan sa Pamahalaan — Haligi ng Maunlad na Lalawigan

    Katapatan at Pananagutan sa Pamahalaan — Haligi ng Maunlad na Lalawigan

  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
No Result
View All Result

  • Login
  • Register
No Result
View All Result
Romblon News Network
No Result
View All Result
Home News National News

NDRRMC, naglabas ng IRR ng batas para sa State of Imminent Disaster

Ana Mendoza by Ana Mendoza
September 29, 2026
in National News
Reading Time: 10 mins read
3
0
SSS, GSIS nagbukas ng calamity at emergency loan para sa mga biktima ng Bagyong Opong sa Romblon
Share on FacebookShare on Twitter

Inilabas na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act No. 12287, o ang Declaration of State of Imminent Disaster Act, na naglalayong gawing bahagi ng disaster management ang maagap na pagkilos bago pa tumama ang isang kalamidad.

Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang RA 12287 noong September 12, 2025. Sa ilalim ng batas, maaaring magdeklara ng State of Imminent Disaster bago mangyari ang isang kalamidad, batay sa scientific forecasts, risk assessments at iba pang kaugnay na impormasyon.

Maaaring magdeklara ang Pangulo ng State of Imminent Disaster sa mga lugar na inaasahang makakaranas ng malala at mataas ang posibilidad na hazard, batay sa rekomendasyon ng NDRRMC o mga local chief executive at payo ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Councils (RDRRMCs), sa pamamagitan ng executive order.

Saklaw ng IRR ang mga hazard na inaasahang magkakaroon ng catastrophic impacts at nakategorya bilang “severe” o katumbas nito, batay sa forecast at resulta ng pre-disaster risk assessment.

Itinatakda rin nito ang mga anticipatory action na maaaring ipatupad bago ang inaasahang epekto ng hazard o kaagad matapos ideklara ang State of Imminent Disaster. Kabilang dito ang maagap na pagpapalabas ng advisories at impormasyon, gayundin ang mobilization at strategic prepositioning ng mahahalagang suplay at operational assets.

May mga panuntunan din para sa pre-emptive evacuation at infrastructure protection, kabilang ang evacuation protocols, camp coordination and camp management, proteksyon at mobilization ng internally displaced persons, at pakikilahok ng Accredited Community Disaster Volunteers, civil society organizations, private sector at iba pang volunteer groups.

Para sa monitoring, reporting at evaluation, inatasan ang Office of Civil Defense (OCD) na magsagawa ng monitoring sa mga lugar na ideklarang nasa ilalim ng State of Imminent Disaster.

Inaatasan naman ang mga concerned government agency na magsumite sa OCD, sa loob ng 45 araw mula sa pagtanggal ng State of Imminent Disaster, ng ulat hinggil sa status ng mga local declaration, paggamit ng anticipatory action funds at tinatayang economic at social costs.

Kailangang isama ng mga national government agency ang anticipatory action measures sa kanilang regular programs, projects and activities at pondohan ang mga ito mula sa kanilang regular agency budgets.

Para naman sa mga local government unit (LGU), maaari nilang isama ang anticipatory action measures sa kanilang Local DRRM Plan at Local DRRM Plan Investment Plan. Maaari ring maglaan ng hindi lalampas sa 10 porsyento ng 70 porsyento ng Local DRRM Fund (LDRRMF) para sa mga naturang hakbang.

Nilagdaan ang IRR noong September 14, 2026 ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., na siya ring chairperson ng NDRRMC.

Discussion about this post

Popular Stories

  • RSU team, kampeon sa 2026 MIMAROPA Cyber Challenge

    RSU team, kampeon sa 2026 MIMAROPA Cyber Challenge

    112 shares
    Share 45 Tweet 28
  • Starlite Ferries ilulunsad ang bagong rutang Romblon–Aklan

    37 shares
    Share 15 Tweet 9
  • PCG, nagsampa ng paunang reklamong kriminal laban sa kapitan ng M/V June Aster

    29 shares
    Share 12 Tweet 7
  • Looc, may bagong oportunidad para sa retirement tourism

    26 shares
    Share 10 Tweet 7
  • PSHS-MIMAROPA scholars, makatatanggap ng buong ₱8,000 buwanang stipend

    120 shares
    Share 48 Tweet 30
Romblon News Network

We are an independent and apolitical digital media organization first ever established in the Province of Romblon.

MORE NEWS

Fare hike ng mga barko sa Romblon, rerepasuhin ng MARINA

Suspek sa tangkang pagpatay sa isang babae sa Cajidiocan, patuloy na pinaghahanap

Balinsasayaw Cave, isinailalim sa site inspection ng NCCA at National Museum

TRENDING FOR THE MONTH

Mobile Journalism, opisyal nang kategorya sa Division Schools Press Conference

Lolo, patay sa pamamaril sa Santa Fe, Romblon

Barangay kagawad, pinagbabaril umano ang kapatid matapos ang pagtatalo

  • Home
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use

© 2013-2022. All Rights Reserved. Romblon News Network (RNN) and RNN.TV. Powered by Pixxelsis Digital Media

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password? Sign Up

Create New Account!

Fill the forms bellow to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In

Click here to close the Ad

Add New Playlist

No Result
View All Result
  • Home
  • News
  • Politics
  • Features
  • Technology
  • Op-Ed
  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
  • Login
  • Sign Up