Arestado ang dalawang indibidwal sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Sitio Puntaki, Barangay Poblacion, Cajidiocan, Romblon dakong alas-9:50 ng gabi nitong September 2, 2026.
Pinangunahan ng Cajidiocan Municipal Police Station (MPS) Municipal Drug Enforcement Unit (MDEU), katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Romblon Provincial Office, ang operasyon sa koordinasyon sa PDEA MIMAROPA.
Kabilang sa mga naaresto ang isang 33-anyos na lalaki, na inilarawan ng pulisya bilang high-value target (HVT) drug personality. Siya ay walang trabaho, may live-in partner at residente ng Sitio Puntaki, Barangay Poblacion, Cajidiocan.
Kasama rin sa naaresto ang isang 29-anyos na lalaki, na itinuturing namang street-level individual (SLI) drug personality. Siya ay walang trabaho, binata at residente ng Barangay Gutivan, Cajidiocan.
Kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang haharapin ng dalawang suspek.



































Discussion about this post