Umabot na sa 402 kaso ng dengue ang naitala sa buong lalawigan ng Romblon mula January hanggang katapusan ng July 2026, batay sa datos ng Provincial Health Office.
Sa kabuuang bilang, 399 pasyente ang buhay, habang tatlo ang nasawi dahil sa sakit.
Pinakamataas ang naitalang kaso sa San Fernando na may kabuuang 116 kaso, kabilang ang dalawang nasawi. Sinundan ito ng Cajidiocan na may 95 kaso, kabilang ang isang nasawi.
Kabilang naman sa iba pang mga bayan na may naitalang kaso ang Magdiwang na may 35, San Agustin na may 34, Odiongan na may 27, Looc na may 22, Romblon na may 20, Alcantara na may 12, at Santa Fe na may 11 kaso.
May tig-walong kaso sa San Andres, tig-anim sa Corcuera at San Jose, apat sa Santa Maria, at tig-tatlo sa Calatrava at Ferrol.
Patuloy namang hinihikayat ng Provincial Health Office ng Romblon ang publiko na maging alerto laban sa dengue, lalo na ngayong panahon ng tag-ulan, at panatilihing malinis ang paligid upang maiwasan ang pagdami ng lamok na maaaring magdala ng sakit.


































Discussion about this post