• RNN TV
  • RNN Radio
  • Advertise with RNN
  • About Us
  • Careers
Tuesday, November 3, 2026
29 °c
Romblon
28 ° Wed
28 ° Thu
28 ° Fri
Romblon News Network
web header ads 728x90
pmt_728x90
hb_728x90px
Big1 2026 728x90
Gasul 2026 728x90
ADVERTISEMENT
  • Home
  • News
    • All
    • Foreign News
    • Local News
    • National News
    • Regional News
    Photo Courtesy: Facebook/Louraine Miñano Magramo

    Marcos, naglabas ng EO para sa iisang patakaran sa suspensiyon at pagbabalik ng klase

    LTO MIMAROPA chief, sinuspende dahil sa isyu ng korapsyon

    Extension ng mga expired na lisensya at rehistro, tinapos na ng LTO

    Falqueza: Pare-pareho ang dami ng bigas na nakalaan sa bawat benepisyaryo

    Falqueza: Pare-pareho ang dami ng bigas na nakalaan sa bawat benepisyaryo

    Lola sa San Andres na nagdiwang ng ika-100 kaarawan, tumanggap ng ₱100K

    Lola sa San Andres na nagdiwang ng ika-100 kaarawan, tumanggap ng ₱100K

    PhilHealth YAKAP, ipinatutupad sa Romblon; 23 health providers kabilang sa inisyatiba

    Mga opisyal ng barangay, hinimok na palakasin ang kampanya sa YAKAP

    San Andres police, hinimok ang mga magulang na bantayan ang mga anak

    San Andres police, hinimok ang mga magulang na bantayan ang mga anak

    Ilang negosyo sa Odiongan, nabayaran ng pekeng ₱1,000 bill

    Ilang negosyo sa Odiongan, nabayaran ng pekeng ₱1,000 bill

    San Jose District Hospital, may sarili nang ambulansya

    San Jose District Hospital, may sarili nang ambulansya

    Lalaking nanilip sa CR, arestado sa Odiongan

    Suspek sa pagnanakaw sa convenience store sa San Fernando, arestado

  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
    • All
    • Daplis Lang!
    • Editorial
    • Thought of Wisdom
    • U_Spy
    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga kabanalan sa Romblon

    Kauna-unahang indoor pickleball court sa Odiongan, pormal nang binuksan sa publiko

    Todo Pina: Pickleballmania hits Odiongan by Storm

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Terminal fee sa Batangas Port, aakyat sa ₱60 simula Enero 2026

    Op-Ed: Modernong Terminal, Mahinang Signal

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Pamahalaang Panlalawigan, magpapadala ng ayuda sa Sibale Island

    Op-Ed: Mas Mahal ang Hindi Pakikinig

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
No Result
View All Result

  • Login
  • Register
29 °c
Romblon
28 ° Wed
28 ° Thu
28 ° Fri
No Result
View All Result
Romblon News Network
No Result
View All Result
Home News National News

Marcos, naglabas ng EO para sa iisang patakaran sa suspensiyon at pagbabalik ng klase

Ana MendozabyAna Mendoza
November 3, 2026
in National News
Reading Time: 11 mins read
4
0
Photo Courtesy: Facebook/Louraine Miñano Magramo
Share on FacebookShare on Twitter

Naglabas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Executive Order No. 130 na nagtatakda ng iisang balangkas para sa suspensiyon at pagpapatuloy ng face-to-face classes, mga aktibidad sa paaralan at onsite work sa mga pampubliko at pribadong institusyong pang-edukasyon at learning center.

Layunin ng kautusan na palakasin ang kahandaan sa sakuna at matiyak ang pagpapatuloy ng pag-aaral, habang inuuna ang kaligtasan ng mga mag-aaral at kawani ng paaralan.

Itinatakda ng EO ang tatlong mekanismo sa pagsuspinde: awtomatikong suspensiyon kapag naabot ang itinakdang teknikal na pamantayan, suspensiyong idineklara ng mga lokal na punong ehekutibo, at suspensiyong ipinatutupad ng mismong paaralan batay sa pagsusuri sa partikular na lugar.

Sa ilalim ng awtomatikong mekanismo, suspendido ang klase at onsite work kapag naglabas ang PAGASA, PHIVOLCS, DENR-EMB o iba pang kinauukulang ahensiya ng babala o alertong pasok sa itinakdang teknikal na pamantayan. Hindi na kailangan ng hiwalay na deklarasyon.

Kung walang awtomatikong suspensiyon, maaaring magdeklara ang mga lokal na punong ehekutibo ng suspensiyon batay sa dokumentadong pagsusuri sa panganib at aktuwal na kondisyon. Kailangan nilang makipag-ugnayan sa mga kinauukulang ahensiya at kumonsulta sa mga opisyal ng barangay, Schools Division Superintendent at pinuno ng mga pribadong paaralan tungkol sa saklaw at tagal nito.

Maaari namang magpatupad ang mga paaralan at learning center ng granular suspension, katuwang ang kanilang lokal na pamahalaan, kung may aktuwal o napipintong banta sa kaligtasan, kalusugan o kapakanan ng mga mag-aaral at kawani.

Itinatakda rin ng EO ang mga kondisyon sa pagbabalik ng klase at onsite work. Maaari itong magpatuloy kapag natapos ang panahon ng suspensiyon o inalis, ibinaba o nag-expire ang kaukulang babala, alerto o deklarasyon, matapos ang kinakailangang pagsusuri at inspeksiyon sa kaligtasan.

Maaari ring humiling ang paaralan ng mas maagang pagbabalik ng klase habang umiiral pa ang lokal na suspensiyon, kung may pagsang-ayon ng lokal na punong ehekutibo at dokumentadong pagsusuring nagpapatunay na ligtas na ang lugar.

Binigyang-diin din ng kautusan na hindi awtomatikong nangangahulugan ng paghinto ng pag-aaral ang suspensiyon ng face-to-face classes. Inaatasan ang mga institusyong pang-edukasyon na magpatupad ng angkop na alternatibong paraan ng pagkatuto hangga’t maaari, alinsunod sa mga patakaran ng ECCD Council, DepEd, CHED at TESDA.

Itinalaga ang DepEd bilang pangunahing ahensiyang mangangasiwa at magmomonitor sa pagpapatupad ng EO at maglalabas ng mga kinakailangang alituntunin. Makikipag-ugnayan naman ang DILG sa mga lokal na pamahalaan, habang magbibigay ng teknikal na impormasyon at hazard advisories ang PAGASA, PHIVOLCS at DENR-EMB.

Inatasan din ang DPWH na magsagawa ng pagsusuri sa mga pasilidad ng paaralan at kaugnay na imprastraktura na naapektuhan ng sakuna o iba pang hazard, at magbigay ng teknikal na tulong sa mga lokal na pamahalaan.

Nakaangkla ang kautusan sa Republic Act No. 10121 o Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010, at iba pang batas na may kaugnayan sa paghahanda sa sakuna at pagpapatuloy ng edukasyon.

Related Posts

LTO MIMAROPA chief, sinuspende dahil sa isyu ng korapsyon

Extension ng mga expired na lisensya at rehistro, tinapos na ng LTO

November 3, 2026
PhilHealth YAKAP, ipinatutupad sa Romblon; 23 health providers kabilang sa inisyatiba

Mga opisyal ng barangay, hinimok na palakasin ang kampanya sa YAKAP

November 3, 2026
Leave Comment

Popular Stories

  • Filipina na tubong Looc, natagpuang patay sa bansang Samoa

    Filipina na tubong Looc, natagpuang patay sa bansang Samoa

    848 shares
    Share 339 Tweet 212
  • Rider, patay sa aksidente sa Odiongan nitong Araw ng mga Santo

    2962 shares
    Share 1185 Tweet 741
  • Most Wanted sa Romblon, Arestado sa Lipa City

    339 shares
    Share 136 Tweet 85
  • Suspek sa pagnanakaw sa convenience store sa San Fernando, arestado

    91 shares
    Share 36 Tweet 23
  • Ilang negosyo sa Odiongan, nabayaran ng pekeng ₱1,000 bill

    75 shares
    Share 30 Tweet 19
Romblon News Network

We are an independent and apolitical digital media organization first ever established in the Province of Romblon.

MORE NEWS

Sunday Reflection: Normalize Saying “Thank You, Lord.”

Op-Ed: Ang mga kabanalan sa Romblon

PCSO Lotto Results – October 31, 2026

TRENDING FOR THE MONTH

Sekyu patay sa pananaga ng kapwa sekyu sa RSU San Andres

Rider, patay sa aksidente sa Odiongan nitong Araw ng mga Santo

HS student, patay sa aksidente sa MariSur, San Andres

  • Home
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use

© 2013-2026. All Rights Reserved. Romblon News Network (RNN) and RNN.TV. Powered by Pixxelsis Digital Media

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password? Sign Up

Create New Account!

Fill the forms bellow to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In

Add New Playlist

No Result
View All Result
  • Home
  • News
  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
  • Login
  • Sign Up