May direct flight na ang Romblon at Clark matapos simulan ng Sunlight Air ang regular na biyahe nito sa pagitan ng Clark International Airport at Tugdan Airport sa Tablas, Romblon nitong August 11.
Dalawang beses kada linggo ang operasyon ng bagong ruta, tuwing Martes at Sabado.
May introductory one-way base fare na nagsisimula sa ₱1,899, na naglalayong gawing mas accessible ang paglalakbay patungo sa Romblon para sa mga turista at iba pang biyahero.
Dumalo sa pagpapasinaya ng inaugural flight si Congressman Eleandro Madrona kasama ang lahat ng alkalde ng Romblon at mga opisyal ng Sunlight Air.
Sinabi ni Madrona na malaking tulong para sa turismo at sa ekonomiya ng Romblon ang pagkakaroon ng direktang flight paputnang mainland Luzon.
Inaasahang magbibigay ang direktang Clark-Tablas flight ng mas mabilis at mas maginhawang opsyon para sa mga biyaherong patungo sa Romblon, habang mas inilalapit naman nito ang mga destinasyon at atraksyon ng Tablas sa mas maraming turista.


































