Dalawang magkakasunod na mahinang tectonic earthquake ang naitala malapit sa Simara Island sa bayan ng Corcuera, Romblon, madaling araw ng Hulyo 27, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Unang naitala ang lindol bandang 12:22 a.m. na may magnitude 2.7. Natukoy ang epicenter nito 4 kilometro timog-silangan ng Corcuera sa lalim na 2 kilometro.
Makalipas ang limang minuto, bandang 12:27 a.m., muling naitala ang isa pang tectonic earthquake na may magnitude 1.9. Ang epicenter nito ay nasa 3 kilometro timog-silangan ng Corcuera at may lalim na 1 kilometro.
Wala namang iniulat na napinsalang ari-arian o nasaktan sa magkakasunod na pagyanig.
Ayon sa PHIVOLCS, tectonic ang pinagmulan ng dalawang lindol. Hindi rin inaasahang magdudulot ang mga ito ng tsunami o pinsala, ngunit maaari pa ring magkaroon ng mahihinang aftershocks.



































Discussion about this post