Unti-unti nang naibabalik ang mga biyahe ng mga barko papasok at palabas ng Romblon matapos bumuti ang lagay ng panahon kasunod ng pag ganda ng panahon sa probinsya.
Ayon sa mga shipping companies, muling bumalik sa operasyon ang ilang pangunahing ruta nitong July 12.
Ipinagpatuloy ng Montenegro Shipping Lines ang mga biyahe sa rutang Batangas–Odiongan at Lucena–Romblon Islands (vice versa).
Muling bumiyahe ang Starhorse Shipping Lines sa rutang Lucena–Romblon Islands noong July 12, habang nakatakdang ipagpatuloy ang Sibuyan Island–Lucena route sa July 13.
Samantala, ibinalik na rin ng Starlite Ferries ang operasyon ng rutang Roxas City, Capiz–Sibuyan–Romblon simula July 12.
Pinapayuhan parin ng mga shipping companies ang mga pasahero na makipag-ugnayan sa kani-kanilang shipping companies para sa pinakabagong iskedyul ng biyahe at iba pang travel advisories bago magtungo sa mga pantalan.



































Discussion about this post