Umabot na sa 11 lokal na pamahalaan sa lalawigan ng Romblon ang nagsuspinde ng klase ngayong Martes, Hunyo 30, dahil sa masamang panahong dulot ng Low Pressure Area (LPA).
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang LPA malapit sa San Pascual, Masbate at tatahak papuntang MIMAROPA.
Batay sa mga inilabas na anunsyo ng mga lokal na pamahalaan, suspendido ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa mga bayan ng Romblon, Ferrol, Odiongan, Corcuera, Santa Maria, Concepcion, San Andres, San Agustin, Cajidiocan, Banton, at Santa Fe.
Ipinatupad ang suspensyon bilang pag-iingat sa kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, at iba pang kawani ng paaralan habang nakararanas ng pag-ulan at masamang kondisyon ng panahon ang lalawigan.
Patuloy namang pinapayuhan ang publiko na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo mula sa kanilang lokal na pamahalaan at sa mga kaukulang ahensya para sa mga susunod na weather updates at iba pang abiso.
Samantala, patuloy na binabantayan ng mga lokal na disaster risk reduction and management offices ang lagay ng panahon at nakahanda ang mga kaukulang hakbang sakaling lumala pa ang epekto ng LPA sa lalawigan.



































Discussion about this post