Aabot sa 560 benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment ang idineploy sa 28 elementary schools sa lalawigan ng Romblon upang tumulong sa pagsasagawa ng Brigada Eskwela ngayong taon.
Ayon kay TUPAD Focal Person Ms. Glory Lee F. Foja, magtatrabaho ang mga benepisyaryo sa loob ng 10 araw o katumbas ng dalawang linggo para tumulong sa paglilinis ng mga paaralan, pagkukumpuni ng mga pasilidad, pagsasaayos ng mga silid-aralan, at iba pang paghahanda bago ang pagbubukas ng klase.
Nabanggit ang deployment ng mga TUPAD beneficiaries sa isinagawang provincial kick-off ceremony ng Brigada Eskwela nitong Lunes, June 1, sa Odiongan North Central Elementary School sa Barangay Batiano, Odiongan, Romblon.
Sinabi ni Schools Division Superintendent Roger Capa na malaking tulong sa mga paaralan ang karagdagang manpower upang mapabilis ang paghahanda ng mga pasilidad para sa pagbabalik-eskwela ng mga mag-aaral.
Ang Brigada Eskwela ay taunang programa ng Department of Education na naglalayong pagsama-samahin ang mga paaralan, lokal na pamahalaan, mga ahensya ng gobyerno, at mga volunteer upang ihanda ang mga pampublikong paaralan bago ang pagbubukas ng klase.



































Discussion about this post