Ipinagdiriwang ng lalawigan ng Romblon ngayong March 16, 2026 ang ika-125 Founding Anniversary nito na nakatuon sa pagpapahalaga sa kasaysayan at pagkakakilanlan ng mga Romblomanon.
Ginanap ang pangunahing programa sa Romblon Provincial Capitol kung saan dumadalo ang mga opisyal ng pamahalaan, kinatawan mula sa iba’t ibang sektor, at mga residente ng lalawigan.
Tampok sa pagdiriwang ang pagbibigay ng mensahe ng keynote speaker na si Prof. Kristoffer Esquejo, Ph.D., isang eksperto sa kasaysayan ng Romblon, na nagbabahagi ng mga mahahalagang pananaw at pagbabalik-tanaw sa kasaysayan ng lalawigan.
Layunin ng pagdiriwang na pag-isahin ang mga Romblomanon sa pagpapanatili at pagpapahalaga sa mayamang pamanang kultural at kasaysayan ng lalawigan.
Ginugunita sa araw na ito ang pagkakatatag ng sibil na pamahalaan ng Romblon noong 1901, na naging mahalagang yugto sa paghubog ng pamamahala at pagkakakilanlan ng lalawigan.


































