Binuluga ng masamang balita ang mga residente ng Buenavista, Looc, Romblon kahapon ng umaga matapos may matagpuan sa kanilang lugar na walang buhay na bagong silang na sanggol.
Ang katawan ng bata, na wala ng ulo at wala ring mga paa, ay nakita malapit sa dalampasigan ng Sitio Sabang, Brgy Buenavista, Looc, Romblon bandang 5:30 ng madaling araw ng March 25.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga kapulisan ng Looc Municipal Police Station ang lugar para sa pagkakakilanlan sa mga magulang ng bata.
Dinala naman sa Don Modesto Formilleza Memorial Hospital ang katawan ng bata para sa post mortem examination.


































